Hindi ko maabot ang buwan,
kahit halos isang
dangkal lamang ang kanyang layo
hindi mapapasaakin ang
kanyang ngiti
kahit gaano man ito katamis,
at kahit lubusan ko itong
inaasam
Patuloy akong magtatago sa
kawalan
habang inaaninag ang kanyang
liwanag,
kasama nang pagbugso ng aking
diwa
ay ang pagdantay ng mga
paru-paro
at ang pagsibol ng kahel na mga tala
Unti-unti lumalambong ang kadiliman
at inihahabi akong para sa kanya
ngunit taliwas sa katotohanan, na tila pumipigil
lamang sa pagluluksa ng
aking diwa
Sa isang gabing katulad ng
sanlaksang gabi
ay muli akong masisinagan ng
kanyang kagandahan
habang patuloy ang kanyang paglayo
mula sa aking hinagap
mula sa aking hinagap
hanggang sa hindi na tuluyang makita
At kung sakaling muling guguhit ang
tadhana
upang bigyang puwang ang pagkakataon
upang kanyang masasalamin ang aking anino
upang kanyang masasalamin ang aking anino
at mabubuksan ang mga rehas na nakapinid
upang dumantay ang mga sagot
mula sa aking puso, kahit binabalot ako ng takot
mula sa aking puso, kahit binabalot ako ng takot
Subalit sa isang pangahas na hampas
ng hanging hindi tumitila
ng hanging hindi tumitila
ay muling ipinaramdam,
na hindi ko siya mayayakap,
at hindi siya magiging akin
at hindi siya magiging akin
sapagkat matagal na siyang nakatali sa
langit.
matalinhaga.
ReplyDelete